Isang araw makaraang kalusin ng Petro Gazz Angels, agad sinunggaban ng Creamline Cool Smashers nitong Martes ang kalibre ni veteran middle blocker Jeanette Panaga.
Naghiwalay na ng landas ang limang key player ng Petro Gazz Angels sa pangunguna nina Jeanette Panaga, Jonah Sabete at Maricar ‘Kai’ Nepomuceno-Baloaloa mula sa ilang taong pagsasama-sama.