‘Massage girl’ na quarantine pasaway yari sa CIDG

Bukod kay ‘Poblacion Girl’ na si Gwyneth Anne Chua, sinampahan na rin ng kaso ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Taguig Prosecutor’s Office ang isa pang Pinay na lumabag sa COVID-19 quarantine protocol.
Quarantine pasaway akyat sa 67K

Iniulat ni DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na umaabot sa kabuuang 67,609 quarantine violations ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa loob lamang ng isang linggo.