Inihayag ni San Miguel Corporation (SMC) president Ramon S. Ang na papayagan nilang dumaan ng libre sa bagong bukas na Skyway 3 ang nasa 10,400 medical frontliner sa COVID-19 pandemya.
Isang buwang ililibre ng San Miguel Corporation (SMC) ang toll ng mga motoristang dadaanan sa 18 kilometrong Skyway 3 mula Buendia hanggang North Luzon Expressway (NLEX).