Abante Tonite Interactive

Taga-India kinaribal ang Chinese sa droga

By
1,809

Sisiyasatin nga­yon ng Bureau of Immigration (BI) ang napaulat na pagkakasangkot ng ilang Indian­ nationals sa iligal na pangangalakal ng droga.

Kasabay nito, inatasan ni BI Commissioner Jaime Morente ang intelligence division na magpadala ng isang team ng mga operatiba ng BI sa mga lugar ng lalawigan na nakahuli ng mga Indian na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

“We are alarmed over these reports of Indians allegedly engaged in the illegal drug business. Aliens engaged in such nefarious activities should be apprehen­ded and punished for violating our laws,” ani Morente.

Natuklasan na sa pagsunod ng direktiba ni Morente, isang team ng mga tauhan ng BI ay ipinadala kamakailan sa Iloilo upang imbestigahan at magsagawa ng follow-up operations sa pagkakaaresto ng tatlong Bumbay ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang team na pinamunuan ni BI intelligence officer Jude Hinolan, ay iniulat na natuklasan na lahat ng tatlong Indian natio­nal na kinilalang sina Amandeep Tangri, Joginder Pal Tangri, at Tehal Singh, ay iligal na namamalagi sa bansa dahil expired na ang visas sa matagal na panahon.

Ayon kay Morente­, ang mga Indian­ na ngayo’y nasa kustody­a ng PDEA, ay kakasuhan ng paglabag sa batas ng imigrasyon ngunit binigyan diin na hindi sila ide-deport hangga’t hindi nila natatapos­ pagsil­bihan ang kanilang sentensiya, sakaling sila’y mahatulan ng korte.