Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taga-Marikina puwedeng choosy sa bakuna

0 77

Puwede ang choosy sa COVID-19 bakuna sa Marikina, ayon na rin sa alkalde ng lungsod.

“Hindi mo puwedeng pilitin [‘yung taong magpabakuna], karapatan niya ‘yan at pati ‘yong sinasabi nilang brand na gusto ng tao, kailangang igalang mo rin ‘yan,” sabi ni Marikina Mayor Marcelino `Marcy’ Teodoro sa panayam sa radyo nitong Miyerkoles.

Ibinahagi ni Teodoro na gumawa sila ng survey at lumalabas na gusto ng mga tao magpabakuna pero doon aniya sa brand na may tiwala sila.

Kaya nakikipag-usap umano sila sa tatlong pharmaceutical company na gumagawa ng bakuna para may pagpilian ang mga taga-Marikina. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.