Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taga-QC, 14 pa timbog sa Bulacan drug bust

0 22

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang residente ng Quezon City na dumayo para magbenta ng shabu habang 14 pa ang naaresto sa buy-bust operation sa San Jose Del Monte (SJDM) noong Biyernes ng gabi.

Ang suspek na si Rhoen Garcia, 40, may asawa, residente ng Brgy. Greater Lagro, QC ay naaresto bandang alas-9:45 ng gabi, sa waiting shed sa Pabahay 2000, sa Brgy. Muzon.

Ayon kay SJDM Acting chief of police PLt/Col Allan Palomo, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa iligal na aktibidad ng suspek sa lugar, kaya agad silang nagsagawa ng surveillance operation.

Nang makumpirma ay agad nagkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad at naaresto ang suspek na nasamsaman din ng 10 sachet ng shabu.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakumpiska din sa suspek ang Honda Click motorcycle na ginagamit nito sa pagdedeliber ng shabu at P1,000 buy-bust money.

Kasabay nito, nadakma rin ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Baliwag, Hagonoy, Malolos, Pandi, Pulilan at San Miguel, ang 14 pang drug suspect sa magkakahiwalay na buy-bust operation.

Nasabat ng mga awtoridad ng 23 sachet ng shabu, mga pinatuyong dahon ng marijuana, magazine, 2 bala ng cal 45, drug paraphernalias at buy-bust money. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.