Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taga-San Juan, nakorner sa QC

0 32

Naaresto ng San Juan Police ang kinikilalang No. 4 most wanted person matapos malambat sa Barangay Commowealth, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marianito C Santos, Presiding Judge, ng MTC Branch 58 sa kasong attempted homicide noong December 15, 2006, inaresto si Jon Jon Fuentes, 44-anyos sa pinagtataguan sa Pacamara St., Barangay Commonwealth, Quezon City alas-10:30 ng gabi.

Una nang nakatanggap ng tip ang San Juan Police kaugnay sa pinagtataguan ng suspek sa Quezon City kaya agad na kumilos ang investigation team at nakipag-ugnayan sa Warrant and Subpoena Section ng Batasan Police Station para sa pagdampot dito.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa San Juan City Police station. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.