Abante Tonite Interactive

Taga-Sun Life siningil sa kinain, umangal

By
815

Umapela sa publiko ang Sun Life Philippines at ang private membership club na Manila House na huwag nang ikalat ang viral video ng isang insidente na kinasasangkutan ng dalawa nilang miyembro.

Ang Sun Life ay isa sa pinakamalaking insurance company sa bansa habang isang members only club ang Manila House na matatagpuan sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Sa naturang video, makikita ang isang lala­king tisoy na taga-Manila House na gigil na gigil na naniningil ng bayad sa isang babaeng naka-pula na taga-Sun Life.

Galit na galit ang lalaki sa babaeng nakaupong pa-cross legs sa bilog na sofa na nagpakilala sa kausap niyang si ‘Jo’ sa telepono bilang si Ina Fuentes.

Dinidedma niya ang lalaki na sinisigawan siyang magbayad ng bill sa salitang English.

Sabi ng lalaki, “hey, you pay your f****** bill” at “you can’t do this,” Nakadagdag sa gigil ng lalaki na dini­dedma siya ni Fuentes habang may kausap ito sa telepono.

Nirereklamo ni Fuentes sa telepono kay ‘Jo’ na maliit ang salmon na isinilbi sa kanila kumpara sa inihain noong food tasting.

Inawat ng security ng Manila House ang pagwawala ng lalaki pati na ang kumukuha ng naging viral video.

Sa joint statement ng Sun Life at Manila House, sinabi ng dala­wang kampo na nagkaayusan na sila at nakiusap sa publiko na huwag nang ikalat ang vi­deo at ang mga maling detalye at komento para maiwasan ang misinformation.

“It has come to our attention that a video of an incident invol­ving Sun Life and Manila House has been circulating online. We would like to inform the public that the situation has already been amicably settled. We request that the public refrain from spreading the video, along with inaccurate details or comments, to avoid misinformation,” ayon sa kanilang paha­yag.