Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tagas sa ice plant nireklamo ng mga residente

0 331

INIREKLAMO ng ilang mga residente ng Lian sa Batangas ang umano’y umalingasaw na mabahong amoy mula umano sa isang ice plant.

Mismong ang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Batangas ang nakatanggap ng reklamo mula sa Barangay Kapito residents kaugnay sa mabahong amoy na nagmula sa planta.

Nauna rito, sa pagsisiyasat ng awtoridad ay lumabas na may drum na naglalaman ng ammonia ang tumagas. Agad itong binuhusan ng tubig at sinasabing pinadaan ito sa rainwater canal ng ice plant staff kaya namatay ang mga halaman at isda

Posibleng kasuhan ng DENR ang ice plant sa paglabag sa Clean Water Act.

Wala pang pahayag ang ice plant factory kaugnay dito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.