Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tagaytay LGU, task force iba desisyon sa travel pass

0 94

Bagaman inihayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla na hindi na kailangan ng travel pass ng mga turista na pupunta sa Tagaytay, ayon naman sa Joint Task Force (JTF) COVID-19 Shield depende pa rin ito kung saan manggagaling ang magtutungo sa lungsod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay JTF COVID-19 Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, tanging mga indibidwal na galing lamang sa modified general community quarantine (MGCQ) ang maaring magpunta rito. At kung hindi, ay kailangan pang magpakita ng travel pass.

Nakapaloob umano ito sa inter-agency task force guidelines. Ang travel authority ay nangangailangan ng health certificate at koordinasyon sa local government unit (LGU). (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.