Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tagbilaran bishop pumalag sa topless babe

0 220

Pinalagan ng isang obispo ang ginanap na `foam party’ sa Bohol sa kasagsagan ng Buwan ng mga Kababaihan.

Sinita ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang kontrobersyal na party na idinaos sa Amanzara Resort sa Panglao, Bohol.

Marso 5, naganap ang foam party sa naturang pribadong resort. Kumalat ang video footage ng isang babaeng walang pang-itaas na suot.

SM food to go Banner Ad

Hindi makatarungan, ayon sa obispo ang paggamit sa mga babae na nagbibigay lang ng aliw sa publiko.

“Doing a foam party with topless women as entertainers is wrong because here, women are treated as objects, no longer as subjects or as fellow human beings,” sambit ni Uy.

“And to do such thing during a time when we are celebrating International Women’s Month, when we are supposed to honor our mothers, sisters, aunties, and nieces, makes it more inhuman, unchristian and reprehensible,” dagdag niya. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.