Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tagle inupo ni Pope Francis sa Vatican central bank

0 37

Nilukok ni Pope Francis si dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bilang miyembro ng Roman Curia na umaaktong central bank ng Vatican.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), nilagay ng Santo Papa si Tagle bilang miyembro ng Administration of the Patrimony of the Apostolic See (APSA).

Nabatid na si Tagle ay kasalukuyang prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, na nangangasiwa sa mga misyon ng Vatican.

SM food to go Banner Ad

“APSA acts as the equivalent of a treasury and also oversees real estate holdings and other sovereign assets. Currently headed by Italian Bishop Nunzio Galantino, the office also administers payroll and operating expenses for Vatican City,” paliwanag pa ng CBCP.

Ang posisyon ni Tagle ay isa lamang sa kanyang ginagampanan papel sa Vatican, bukod sa pagiging miyembro ng Pontifical Council for Interreligious Dialogue at presidente ng international Catholic charity confederation Caritas Internationalis.

Noong Mayo, ay binigay naman ni Pope Francis kay Tagle ang titulong cardinal-bishop, pinakamataas na titulo na maaaring ibigay sa cardinal. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.