Abante Tonite Interactive

Tagtuyot sa bowling medal tatapusin

By
12

Tudlang mawakasan ng Pilipinas ang may 23 taong tagtuyot sa gold o 17-year medal drought sa 14th World Youth Tenpin Bowling Championships 2016 sa Sun Valley Lanes sa Lincoln, Nebraska, USA sa Hulyo 22-Agosto 3.

Iwawagayway ang watawat ng bansa sa kumpetisyon ng walong bowler na bubuuin nina Ivan Dominic Malig, Gospel Gahol, GJ Buyco at Louis Cantorna para sa boys’ team at sa girl’s squad nina  RJoy Daval Santos, Rical Maca­tula at Xyrra Cabusas.

Aalis sa darating na Biyernes ang team na pangungunahan ni Philippine Bow­ling Federation secretary general Alex Lim kasama sina national coaches Engelberto Rivera at Josephine Canare.

Huling nakapagsabit ng ginto sa leeg para sa mga Pinoy si Angelo Constantino sa pangalawang edisyon ng torneo noong 1992 sa Caracas, Venezuela, sa pilak ay si Paulo Valdez noong 1990 sa Quezon City at sa tanso naman ay si Rowen Jay Bautista noong 1998 sa Incheon, Korea.

“We are considered there as one of the underdogs but I still believe we can compete against strong oppositions in that tournament,” bulalas kahapon ni Rivera. “Our modest goal is to win a medal. Any medal will be a good performance.”