Abante Tonite Interactive

Tagtuyot wake-up call sa pagkahibang sa rice importation ‑ Butil Party-list

244

Ibinabala ng isang kongresista na puwedeng maubos sa loob lamang ng isang magdamag ang global rice surplus kapag nadale ng matinding tagtuyot ang mga nangungunang bansa na nagsu-supply ng bigas.

“If there is a lesson that could be learned from the current Philippine drought, it is the untenability of ancho­ring the rice and food security needs of our country on importation,” pahayag ni Butil Party-list Rep. Cecil Chavez.

Ayon kay Chavez, ang tagtuyot sa mga taniman ng palay sa China at India na parehong nangunguna bilang rice producer ay magdudulot ng pagbaba ng global rice production.

Bunsod nito, maaapektuhan ang 50 mil­yong metric tons ng rice surplus na kinakalakal sa global market.

“If the rice production in China and India falters, no amount of bountiful yields from Vietnam, Thailand and Bangladesh could offset the production loss from the two big countries. Nothing can stabilize the global rice supply in case of production downturns in China and India,” paliwanag ni Chavez.

“The drop in the vo­lume of globally traded rice would bring a worst-case scenario to the Phi­lippines, which has abandoned the pursuit of rice self-sufficiency in favor of unlimited rice importation,” pagbibigay-diin ng lady solon.