Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taguig bakuna kakapusin sa taas ng demand, bilis umaksyon

0 123

Napipintong maubos ang supply ng bakuna sa Taguig City dahil sa pagdagsa ng mga nagpapabakuna sa lungsod.

Sa dami ng nagpapabakuna sa lungsod at mabilis na aksyon ng lokal na pamahalaan sa bakuna rollout, halos mauubos na at kukulangin ang suplay sa Taguig.

Nais talakayin ng lungsod sa national government ang supply ng mga bakuna upang mas maraming tao ang makinabang kagaya na lamang ng mga priority na A1 o mga frontliners, A2 o mga seniors, A3 o ang mga may comorbidity at panibagong bukas na A4 o yung mga essential workers o manggagawa sa lungsod.

Ang mataas na demand ay dulot na rin ng madali at mabilis na proseso sa pag-rehistro at pagkuha ng appointment upang mapabakunahan ang mga nais mabakunahan.

SM food to go Banner Ad

Nitong nakaraang tatlong araw, nakapagtala ang lungsod ng 8,000, 10,000 at 11,00 na indibdiwal ang dumagsa at nabakunahan sa mga vaccination hub na nakapwesto sa iba’t-ibang barangay sa lungsod, kasama na rito ang vaccination bus kung saan pinupuntahan nito ang iba’t-ibang lugar sa syudad upang mabigyan ng bakuna ang mas maraming mamamayan.

Halos zero ang dropout rate sa mga vaccination booking at schedule ang Taguig. Plano pa sa lungsod na itaas mula 6,800 na target kada araw na katao at gawing 8,000 katao kada araw ang babakunahan.

Nauna nang binigyan ng pagkilala ng Taguig ang mga health worker at doktor na nagbibigay serbisyo sa mamamayan upang labanan ang COVID-19.

Sa kasalukuyan, nakapagbigay na ng bakuna ang lungsod sa 143,512 Taguigeños na kabilang sa kategoryang A1, A2, A3, at A4.

Leave A Reply

Your email address will not be published.