Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taguig binuksan 2 pang vaccination center

0 302

Dalawa pang vaccination center ang binuksan sa Taguig City upang mas mapadali ang pagbabakuna sa mga residente.

Sa ngayon mayroon ng community vaccination center ang lungsod matapos na magbukas nito sa RP Cruz Elementary School, Maharlika Elementary School at EM’s Signal Village Elementary School.

Mayroon namang tatlong mega vaccination hub partikular sa SM Aura, sa Lakeshore area at Vista Mall Parking Building.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, dahil sa pagbubukas ng mga bagong vaccination center ay inaasahan na mas lalong mapapalakas ng lungsod ang pagbabakuna na ngayon ay patuloy nilang ginagawa sa mga health worker, senior citizen at mga taong may comorbidity.

Nangako ang pamunuan ng lungsod na mababakunahan lahat ng residente subalit depende ito sa suplay mula sa national government. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.