Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taguig buy-bust: 12 tiklo sa P20M shabu, marijuana

0 302

Umabot sa mahigit P20.4 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng pulisya sa 12 katao, kabilang ang kilabot na tulak ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig City kamakalawa.

Nakumpiska sa mga suspek ang 3 kilo ng shabu, mahigit 41 gramo ng high grade marijuana o kush, at mga drug paraphernalia. Alas-5:30 ng hapon nang ikasa ang paghuli sa big-time pusher na si Patrick Ace Tiñga, 24, ng Brgy. Ususan.

Matapos tanggapin ni Tiñga ang markadong salapi kapalit ng pakete ng shabu sa police-poseur buyer, sinalakay na ng mga operatiba ang bahay at dito naaresto ang 11 pa katao na kinilalang sina Kinilala ang iba pang nadakip na sina Tom Jovy Cruz, 30; Elmer Bautista, 34; Winston Ray Lopez, 20; Jessie Aviles, 24; Jomari Lopez, 19; Chris Klein Lopena, 19; Adrian Dela Cruz, 22; John Paul Esteban, 26; John Christian Roxas, 24, at ang dalawang binatilyo na kapuwa 17-taong gulang na nabatid na ginagawa diumanong runner. (Mia Billones/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.