Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taguig City binuksan 2 pang bakuna site

0 172

Upang patuloy na mapalakas ang programang pagbabakuna ng Taguig City government, binuksan na nitong MIyerkules, April 7, sa publiko ang 4th at 5th vaccination sites sa Maharlika Elementary School sa Barangay Maharlika at EM’s Signal Village Elementary School na matatagpuan naman sa Barangay Central Signal.

Ang karagdagang community vaccination centers na ito ay makakatulong sa dalawa pang kasalukuyang Mega Vaccination Hubs sa Lakeshore area sa Barangay Lower Bicutan, at Vista Mall Parking Building sa Barangay Calzada, at sa kaunaunahang community vaccination center sa RP Cruz Elementary School sa Barangay New Lower Bicutan.

Nagsimulang magbakuna ang lungsod noong March 31 sa mga nakalista sa COVID-19 Vaccine Priority List categories A2 (senior citizens) at A3 (non-senior adults with comorbidities).

Nagsimula na ring magbigay ang Taguig ng pangalawang dose ng bakuna sa mga A1 category (medical frontliners).

Ang Taguig ay magpapatuloy na magbigay ng bakuna sa mga Taguigeño hanggang sa maubos ang nakuhang suplay mula sa national government.

SM food to go Banner Ad

Inaasahan ng Taguig na ang inorder nitong COVID-19 vaccines mula sa AstraZeneca, Covovax, Covaxin, at Moderna ay darating sa third quarter ng taon.

Plano rin ng lokal na pamahalaan na magbukas pa ng karagdagang vaccination hubs sa Taguig upang sa gayon ay maabot ang mas maraming residente ng syudad sa programang pagbabakuna laban sa COVID-19.

“Ang bakuna ay isa sa mga paraan upang masugpo ang virus at sa gayon ay tuloy-tuloy na ang lakbay natin patungong new normal. Sa kabila ng mga pagtaas ng kaso ng COVID at tayo ay sumasailalim sa ECQ guideline, ang Taguig ay patuloy na itinutulak ang mga programa upang palakasin ang ating science-based at expert-approved initiatives,” paliwanag pa ni Mayor Lino Cayetano.

Ang lahat ng residente ng Taguig ay hinihikayat na magrehistro sa TRACE Taguig para sa vaccination schedule.

Leave A Reply

Your email address will not be published.