Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taguig LGU kinasa 24/7 vaccination hub

0 169

Maglalagay ang Taguig City ng tatlong 24/7 vaccination hub bukod pa sa 40 community vaccination center upang mapabilis ang pagbabakuna sa mga residente nila sakaling dumating na ito.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, bukod sa Lakshore Vaccine Training and Information Center, na hinirang ng national government na model facility, target din umanong idagdag para maging 24 oras na serbisyo ang vaccination hub sa Bonifacio Global City (BGC), Barangay Fort Bonifacio at Vista Mall sa Brgy. Calzada-Tipas.

Mapapalawak umano nito ang pagbabakuna laban sa COVID-19, na target maturukan ang ng 630,000 Taguigeno sa loob ng 60 hanggang 90-araw. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.