Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taguig may P13.5B kontra COVID-19

0 235

Inilatag na ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang 2021 “recovery budget” na nagkakahalagang P13.5 bilyon kung saan kasama na dito ang bakuna kontra COVID na P1 bilyon.

Pinaalalahanan din ang mamamayan na ang bakuna ay isa lang parte sa kanilang programa upang sugpuin ang COVID-19.

Sa ilalim ng P1-bilyon programang bakuna, sinisiguro na ang bawat mamamayan ng Taguig ay malilibre sa bakuna.

“Simula pa lamang Setyembre, nagsimula na ang planning para sa pagbabakuna. Ito ay kasapi ng programa laban sa COVID na kinabibilangan ng mass testing at pagpapagaling sa mga may sakit,” ayon kay Mayor Lino Cayetano.

Dagdag pa ng alkalde, nais masiguro ng Taguig na ang “testing ay magpapatuloy sa 2021, na libre ang testing sa 30 health centers at 2 drive-thru location kaya naman tuloy ang pag-invest ng siyudad sa healthcare and treatment.”

Ang sariling molecular laboratory and disease surveillance units ng Taguig ay magpapatuloy rin sa operasyon dahil kasama rin sa 2021 na pondo upang masawata ang pagkalat ng COVID sa kabila ng paglabas ng mga bakuna.

“Kami po ay nakikipag-ugnayan sa Joint Task Force at sa Department of Health para sa allotment ng vaccine para sa Taguig pero meron na ring pag-uusap sa mga supplier para sa sariling supply ng Taguig. Handa na rin ang Taguig na ilunsad ang model vaccine stations at ng citizens ID ngayong January. Pareho itong importante para kabuuan ng COVID vaccine rollout plan,” dagdag pa ng Taguig mayor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.