Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taguig nilunsad tutorial service sa mga estudyante

0 111

Nilunsad ng Taguig City government ang Tele-Aral program para tulungan ang mga mag-aaral ngayong ipatutupad ang blended learning dulot ng pandemya.

Ayon kay Taguig City Lino Cayetano, bahagi ito ng paghahanda ng lungsod para masiguro na tuloy-tuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga pampublikong eskwelahan ngayong magbubukas ang klase sa Oktubre 5.

Sa ilalim ng prorama, maaaring tumawag ang mga estudyante sa mga guro kung may katanungan sila hinggil sa module. Nasa 500 teacher umano ang hinasa para maipatupad ang health protocol habang binibisita nila at binibigay ang kailangang tulong ng mga estudyante sa kanilang tahanan.

Dagdag pa, ang Tele-Aral Center ay babantayan ng mga guro na sumailalim sa pagsasanay mula sa Taguig Online Campus at mga call center supervisor. Mayroon itong 15 phone line na matatawagan ng mga estudyante.

“Through easy access to a broad body of knowledge, teachers, teaching personnel, and technology, Taguig City launches the Taguig Tele-Aral Program to highlight both quality education and importance of safety for teachers and students amidst the pandemic,” sabi pa ni Cayetano. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.