Abante Tonite Interactive

Taguig patuloy ang pagtulong sa mga bakwit

347

Matapos maghatid ng tulong sa mga apektadong residente dalawang araw pagkatapos ng pagputok ng Bulkang Taal ay nagbalik ang pamahalaang lungsod ng Taguig at nagkaloob ng medical assistance at relief packs sa higit 122 pamilya sa bayan ng Laurel sa Batangas na lumikas dahil sa kalamidad.

Sa medical mission at relief opera­tion sa Splendido Evacuation Site sa Laurel ay nagtulung-tulong ang iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan ng Taguig upang ayudahan ang halos 500 bakwit.

Ang medical mission na pinanguna­han ng Taguig City Health Office sa suporta ng Taguig City Police.

Inaliw naman sa mga palaro, ma­gic, at puppet shows ang mga bata upang maging psychosocial support.

Ang medical mission at relief operation ay naging posible sa tulong ng mga opisina nina Sen. Pia Cayetano, Spea­ker Alan Peter Cayetano at Taguig Rep. Lani.