Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taguig pinakamababa virus case sa NCR

0 93

Naging susi umano ang bayanihan ng iba’t ibang grupo sa Taguig City para mapababa ang kaso at makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Pinuri ni Mayor Lino Cayetano matagumpay na paglaban ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan kontra sa COVID-19. Aniya, mula Oktubre 22 hanggang 28 ay nasa 151 kaso na lang ng COVID-19 o 1.75 porsyento sa kabuuang 8,608 na kaso habang ang recovery rate naman ay pumalo sa pinakamataas sa buong National Capital Region (NCR) na 97.51 porsyento.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ngayon ay nasa ratio na 15 kaso ng COVID-19 kada 100,000 residente ng lungsod, mas mababa ng 33 porsyento sa aktibong kaso ng COVID-19 na narekord sa buong Metro Manila.

Nanawagan din ang alkalde sa mga residente na mayroong mga nararamdamang sintomas ng COVID-19 na agad magpatingin sa mga helath centers at agad na isasagaw ang swab test sa kanila.

“If pakiramdam n’yo na-expose kayo sa taong may COVID-19, or pakiramdam n’yo lang sa nature ng inyong trabaho, lagi kayo lumalabas at gusto niyong magpa-test just call at agad i-schedule ang swab test niyo,” pahayag ni Cayetano. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.