Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taguig pinuri sa pandemic response

0 538

Tinawag na role model ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang lungsod ng Taguig sa ginagawa nitong pagresponde sa COVID-19 pandemic.

“Nakita po natin, ang gaganda ng ginagawa ng Taguig City patungkol sa kanilang aggressive tracing, testing and treatment and partnership,” pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa isinagawang press briefing.

Isa sa ginawang lungsod na pinuri ay intervention sa Bonifacio Global City (BGC) construction site kung saan isinailalim sa swab test ang mahigit 700 construction worker, nalaman dito na 327 ang positibo.

Sabi naman ni COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez, “Ang nakita natin dito ‘yung balance between economy and health. Pinakita nga ni Mayor Lino how we can save lives, at the same time, save the economy.” (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.