Abante Tonite Interactive

Tagum City host muli ng Batang Pinoy Mindanao leg

By
257

Magbabalik ang Philippine National Youth Games – Batang Pinoy sa dalawang siyudad na nag-host ng multi-sports meet habang unang pagkakataon na magtutungo ang grassroots sports development ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Ilagan City, Isabela.

Inihayag ng PSC sa opisyal nilang website na magsisilbi muling host ang nagtaguyod na 10th Batang Pinoy national championships 2016 na Tagum City, Davao del Norte sa opening Mindanao Qualifying Leg sa darating na Pebrero 2-9.

Una nang nag-host ng isang qualifying leg ang Tagum ng Batang Pinoy bilang paghahanda sa pagbalikat din nito sa Palarong Pambansa bago hiniling maisagawa sa siyudad sa unang pagkakataon ang national championship ng ika-12 lamang na edisyon ng torneo na sinimulan noong 1999.