Abante Tonite Interactive

Tagumpay ng BOL kapayapaan sa Mindanao

By
143

Nagpahayag ng kasiyahan si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna sa matagumpay na pagdaraos ng plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsa­moro Organic Law (BOL), sa Mindanao partikular sa North Cotabato at Lanao del Norte.

Ayon kay Atty. Luna, siya at ang mga kasamang ‘intervenors’ na sina Nasser Marohomsalic at Amanoding Esmael, pangulo ng Phi­lippine Association of Islamic Accountants (PAIA) (PAIA) ay labis na nasiyahan sa ginanap na plebisito at pagratipika sa RA 11054 (Organic­ Act on the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao).

“Ang sina-side naming­ grupo ay ang Philippine Gov’t at MILF (Moro Islamic Liberation Front) at ang argumento namin is that constitutional,­ legal and valid ang RA 11054 (Organic Act on the Bangsamoro Autono­mous Region in Muslim­ Minda­nao) at valid din ang crea­tion ng Bangsamoro Autonomous Region(BAR) to replace the existing ARMM,” dagdagNpa ng PACC president.

Magugunitang nagkaroon ng pambobomba sa bisperas ng botohan, gayunman ay hindi natakot ang mga residente sa Lanao del Norte at North Cotabato na bumoto para sa ratipikasyon ng BOL.