Abante Tonite Interactive

Tagumpay ng drug war sampal sa mga kritiko – Palasyo

239

Ipinamukha ng Malacañang sa oposisyon at mga kritiko ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na nagsabing anim o higit pa sa 10 Pi­lipino ang naniniwalang bumaba ang bilang ng drug addict sa kanilang lugar sa nakalipas na isang taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na panahon na para itigil ng oposisyon at mga kritiko ang pagiging bulag at bingi sa kanilang paniwala dahil ang publiko na ang nagsabing malaki na ang ibinaba ng bilang ng mga lulong sa iligal na ­droga bilang resulta ng pinaigting na kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We ask them to stop playing blind dumb and instead listen to the people: 83% of people of Mindanao say there are less drug addicts there; 71% in the Visayas say there is a decrease; 67% in Metro Manila likewise say there is a decrease; while 54% in Luzon share the same sentiment,” ani Panelo.

Ayon kay Panelo, ang resulta ng SWS survey ay indikasyon ng matagumpay na kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.

Magpapatuloy aniya ang kampanya ng pamahalaan kahit pa panay-panay ang mga batikos at mga pagpunang tinatanggap ng administrasyong Duterte sa loob at labas ng bansa.

“This survey, conducted last ­December 16-19, 2018, is a validation of the success of the Duterte Administration’s campaign against illegal drugs. As we all know, it is a major campaign platform of President Duterte and remains a centerpiece program of his administration, notwithstanding the harshest criticisms, brickbats and pressures the current government is receiving here and abroad,” dagdag pa ni Panelo.

Matatandaang dinala ng mga kritiko hanggang sa International ­Criminal Court (ICC) ang isyu sa anti-drug campaign ni Pangulong Duterte at pinalitaw na mayroong extra-judicial killings sa bansa dahil sa mga napapatay na suspek sa droga.