Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tagumpay ng mga barangay sa Caraga bibisitahin ni Duterte

0 145

NAKATAKDANG bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte ngayon (April 12) sa Caraga o Region XIII upang personal na madinig ang mga tagumpany ng National Task Force and Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-RTF ELCAC) hindi lamang sa peace and order kundi maging sa maayos na pamumuhay ng mga tao.

Ayon kay NTF-ELCAC Vice Chairman at National Security Council Secretary Hermogenes Esperon Jr., bibisitahin ni Pangulong Duterte ang mga ginagawa ngayong proyekto sa ilalim ng Barangay Development Program (BDP).

Si Pangulong Duterte ang tumatayong chairman ng NTF-ELCAC, samantala ang BDP ay flagship project ng kanyang administrasyon.

Isa sa tagumpay ng Caraga Region ay ang paghina ng pwersa ng mga rebelde at komunista. Umabot sa 978 miyembro ng NPA ang nagbalik-loob na sa pamahalaan at 290 armas ang nakumpiska.

Noong 2016, umabot sa 11 ang Guerilla Fronts sa Region XIII. Tatlo dito ay nabuwag at 2 ang humina na. Ang natitirang anim ay pinahihina na ngayon ng kasundaluhan ng bansa.

“I wish to highlight the neutralization of 37 high-ranking officials of the Communist Terrorist Group (CTG) in the region,” ani Esperon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag pa ng opisyal, naipasara na ng RTF-XIII ang Alternative Learning Center for Agriculture and Livelihood Development (ALCADEV) at Tribal Filipino Program sa Surigao del Sur.

“These schools were found to be illegally operating with the purpose of indoctrinating and radicalizing the youth/indigenous person sectors for their eventual recruitment as armed combatants of the CTG,” ayon kay Esperon.

Para naman sa BDP ng CARAGA Region, umabot sa 191 barangays ang nabigyan ng iba’t-ibang proyekto gaya ng 359 infrastructure at non-infrastructure priority projects sa taong 2021.

Sa taong ito, dagdag na 94 barangays ang mabibigyan pa ng BDP project. Ito ay ang Butuan City (3); Agusan del Norte (8); Agusan del Sur (45) Surigao del Norte (20) at Surigao del Sur (18).

Nagpapasalamat ang ahensya sa suporta at pamumuno ni Duterte upang tuluyang mabuwag ang CPP-NPA at mabigyan ng magandang buhay ang mga tao mga lalawigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.