Abante Tonite Interactive

Tagumpay ng mga Pinoy athlete sa 18th Asiad, kikilanin ng Kamara

By
310

INIHAIN ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang isang resolusyon para mabigyan ng espesyal na pagkilala ang ipinamalas na husay at tagumpay ng koponan ng Pilipinas sa katatapos na 2018 Asian Games sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Sa pamamagitan ng House Resolution (HR) No. 2127 o Resolution Congratulating and Commending the Phi­lippine Team for Their All-Out Performance and Dedication, nakikiisa si Vargas sa Filipino community sa pagbibigay-pugay sa mga atletang Pinoy na sumabak sa katitiklop lang na Asiad.

Itinanghal ang Pi­lipinas na pang-19 sa 45 bansa na lumahok sa iba’t ibang palarong pampalakasan.

Abante Hiring – IT dep

Umaabot sa 21 panalo ang iniuwi ng Phi­lippine team kabilang ang apat na gintong medalya, dalawang pilak at 15 bronze medals.

“I congratulate our athletes for their impressive showing of their dedication to their respective sports. Throughout the 15 day-competition, our athletes represented our nation by displaying their fiery forms and braving their competitors in 31 sports events,” pahayag ni Vargas, miyembro ng House Committee on Youth and Sports Development.

Matatandaang kabilang sa nag-uwi ng gintong medalya sina Hidilyn Diaz para sa weightlifting, Margielyn Didal sa skateboarding at golf team member Yuka Saso. (Aries Cano)