Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tagumpay ng SEA Games tumatak sa mga delegado

0 327

HANGA ang mga opisyal ng 11 bansa sa pag-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games 2019 dahil sa matagumpay na pag-organisa nito, lalo na ang mga itinayong state-of-the-art na pasilidad, ang propesyonalismo at magiliw na pagtanggap ng mga Pilipino sa mga bisitang dumalo at mga kalahok dito.

Sa isang video message sa turnover ceremony ng 30th SEA Games Final Report Book noong Miyerkoles (Nobyembre 11), binalikan ng mga National Committee officials ng Singapore, Brunei, Malaysia, Thailand, at Indonesia ang kanilang mga karanasan at nagpasalamat sa organizers, mga tauhan, at volunteers ng 12-day ssportsfest.

Naglalaman ang 300-pahinang Report Book na binuo ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) ng mga kuwento ng pagsisikap at matinding pagmamahal sa sports na ipinamalas ng mga atleta, opisyal, volunteers, personnel na nasa likod nang pinakamalaking paligsahan sa kasaysayan nito.

Sinaluduhan ng Singapore National Olympic Council (SNOC) ang PHISGOC, ang Philippine Olympic Committee (POC), at Philippine Sports Commission (PSC) sa tagumpay ng palaro na dinomina ng mga atletang Pinoy. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.