Abante Tonite Interactive

Tagumpay ni Trillanes panandalian lang — Palasyo

By
727

Panandalian lamang ang pagbubunyi ni Senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa naging desis­yon ng korte na hindi pagpapalabas ng warrant of arrest nito kaugnay sa pinawalang bisang amnestiya nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman at Chief Pre­sidential Legal Counsel secretary Salvador Pane­lo na kung susuriing mabuti ay ang gobyerno ang nanalo at hindi si Trillanes.

Malinaw sa desisyon ni Judge Andres Soriano ng Makati Regional Trial Court branch 148 na kinikilala nito ang inisyung proklamasyon ng Pangulo nagpawalang-bisa sa amnestiya ng senador.

Abante Hiring – IT dep

Ang ibig lamang ani­yang sabihin ay buhay ang mga kaso ni Trillanes kaya’t panandalian lamang ang kalayaan nito.

“Ang nanalo ang gobyerno hindi siya. Na-delay lamang iyong kanyang sinasabing kala­yaan niya. Delayed kasi nga hindi siya binigyan ng warrant and yet effectively lumalabas buhay ang mga kaso niya. Iyon ang deklarasyon ng hukuman,” ani Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na natatawa siya sa senador dahil noong wala pang desisyon ang korte ay sinabi nitong patay na ang demokrasya sa bansa pero ngayong walang inisyung warrant of arrest ay iba na ang tono nito at inihayag na buhay na buhay ang demokrasya.