Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tagumpay vs terorista nalalapit na – Task Force

0 176

INIHAYAG ng hepe ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations, na ang pagtatapos sa pakikipaglaban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ay nalalapit na.

Sa lingguhang ‘virtual’ balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ni Major Gen. Rhodel O. Sermonia, na ang PNP kasama ang lahat ng sangay ng pamahalaan sa pagsusulong ng “whole-of-nation approach”, ang tatapos sa limang-dekada ng insureksiyon ng CPP-NPA-NDF bago pa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa June 30, 2022.

“Matapos ang limang-dekada tanging ang Administrasyong Duterte lamang ang determinado na pagsama-samahin ang lahat upang masolusyunan ang problema ng insureksiyon.

Sa mga nagdaang taon, nakita na natin unti-unting pananagumpay gaya ng pagsasabatas ng anti-terror bill at ang pagbansag sa mga CPP-NPA bilang mga terorista, at maging ang mandato ng Executive Order 70 na nagtatago ng NTF-ELCAC.

At marami pa pong ibang mga programa para finally we can end this local communist armed conflict,” paliwanag ni Sermonia.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinunto din ng opisyal na ang pagtatagumpay laban sa CPP-NPA-NDF ay dahil na rin sa mahusay na paninindigan ni Pangulong Duterte upang wakasan na ang paghanari-harian ng mga komunistang-terorista.

Ang pagkakatatag ng NTF-ELCAC, aniya, ay isang pinaka-mahalagang pamana ni Pangulong Duterte, na nagpagaan sa mga pulis na makipag-tulungan sa mga Filipino na pahinain at pilayan ang hanay ng CPP-NPA-NDF sa malalayong lugar sa pamamagitan ng “massive police-community relations.”

“Halos abot-kamay na ang ating decisive victory. Marami na ang naniniwala sa programa ng ating pamahalaan. Kaya marami na rin ang sumusuko sa kanila (CTGs),” ang sabi ni Sermonia.

“Tuloy-tuloy na ito hanggang maramdaman ng ating mga kababayan ang malasakit ng ating Pangulo.” Ang kailangan na lamang, ayon sa mataas na opisyal ng PNP ay “strong finish” upang madama ng bawat Filipino ang “decisive victory” ng pamana ni Pangulong Duterte. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.