Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taha, Bossing winarak Dyip

0 94

Mga Laro Ngayon: (Ynares Center)

4:30pm — TNT vs Phoenix

6:30pm — Converge vs San Miguel

Binitbit ni Yousef Taha ang Blackwater Bossing sa biggest franchise winning record sa paghugot nito sa 107-70 panalo kontra sa Terrafirma Dyips sa first gameng 2022 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo kahapon.

Nagtala si Taha ng kabuuang 12 puntos, 14 rebounds, 4 assists at 4 blocks upang iangat ang Bossing sa pagsalo sa ikalawang puwesto sa kabuuang 3 panalo at 1 talo.

“It’s a total team effort, not just me. I just do my part but in all, the team contributed to the victory,” sabi ni Taha.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang kalamangan sa final score na 37 puntos ay nagtala sa Bossing sa bago nitong franchise record upang bahagyang takpan ang naitala sa liga ang 29 na sunod na kabiguan.

Tumulong sina rookie Renato Ular na may 16 puntos pati si JV Casio na may 14 puntos, 1 rebound, 4 assists at 3 steals.

May tig-11 puntos din sina Mark Dyke, Kevin Ebona at James Sena.

Nagawang itala ng Bossing ang pinakamalaki nitong 31 puntos na abante sa 94-63 sa 4:43 ng huling quarter mula sa lay-up ni Yousef tungo na sa ikalawang sunod na panalo at kabuuang 3-1 panalo-talo kartada.

Una nito ay ibinuhos ng Blackwater ang kabuuang 36 puntos sa ikalawang yugto habang nilimitahan lamang ang Terrafirma sa 20 puntos upang kapitan ang 16 puntos na abante sa 54-38.

Nanatiling walang panalo ang Terrafirma na nalasap ang ikalimang sunod nitong kabiguan. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.