Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taiwanese kinidnap sa Makati

0 167

Nabigo ang umano’y pagdukot ng dalawang dayuhan sa isang Taiwanese matapos madakip ng mga pulis kamakalawa sa Makati city.

Tinangka pang tumakas nina Chan Kea Seng. Malaysian national at babaing kasabwat na si Yuqi Yu, 20, Chinese, kapwa naninirahan sa 1643 Camino Dela Fe St., Brgy. Guadalupe Nuevo nang matunugan ang paparating na mobile patrol ng pulisya alas-9:40 ng gabi sa Escutea St. Brgy. Guadalupe Nuevo.

Sa ulat ng pulisya, tinangka ng dalawa na puwersahang ipasok sa loob ng kanilang van ang Taiwanese na si Sung Chuan-Chin, 30, ng Unit 106A, 2264 Taft Avenue, Malate, Manila sa Escueta Street subalit nagpapalag hanggang sa makatakbo ang biktima.

Hinabol ng mga suspek ang biktima at sapilitang kinaladkad papasok ng van na naging dahilan upang makatawag pansin sa mga tao sa paligid.

Nagkataong nagpapatrulya sina Cpl. Adonis Bigera at Pat. Jacinto Longcop kaya inabutan pa nila ang pagkaladkad ng dalawang dayuhan sa Taiwanese.

Nang makita ng mga suspect ang papalapit na mobile car, tinangka nilang tumakas subalit nadakip din matapos maghabulan.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa bigong pagkidnap sa biktima. (Mia B Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.