Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Takas na Koreano, nadakma sa Isabela

0 78

Matapos ang 10-buwang paghahanap ng mga awtoridad, isang South Korean na wanted sa pandaraya ang hinuli sa San Mateo, Isabela noong Miyerkoles.

Si Song Yangrae, 45, na tumutuloy sa Salinungan West, San Mateo, Isabela, ay inaresto ng puwersa ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration (BI), Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 14, San Mateo Police at Baguio City Police.
Iniulat na si Song ay paksa ng isang Red Notice na inilabas ng Interpol Seoul, Republic of Korea noong Enero 15, 2016, matapos lokohin ang apat niyang kababayan ng tinatayang 360,000 USD (435.8 milyong KRW).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Natuklasan din na siya ay nagtatrabaho sa bansa nang walang kaukulang permit nang mahuli ito at ang 11 iba pang mga Koreano na aktong nagbebenta ng mga accessories ng mobile phone sa kanilang mga stall sa Korea Town sa Friendship Highway sa Angeles.

Una siyang naaresto noong Enero 2016 ngunit nakatakas sa kulungan noong Enero 2020, at nagtago, hanggang sa madiskubre ang kanyang kinaroroonan. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.