Abante Tonite Interactive

Takas sa Bilibid arestado

By
163

Arestado ang isang pugante mula sa New Bilibid Prison (NBP) matapos arestuhin ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nang pagdudahan ang kilos at hitsura nito, habang naglalakad sa harap ng US Embassy.

Dinakip ng mga awtoridad ang takas na preso na kinilalang si Redel Patanao alyas ‘Niknik Boy’, tubong-Iloilo City, at may convicted sa kasong homicide noong 2017.

Nabatid na nagmo-monitor at napapatrolya sa paligid ng US Embassy ang grupo ng Regional District Command-Special Weapons and Tactics sa pamumuno ni Inspector Edgar Mangsal at MPD-District Special Opera­tions Unit (DSOU), dakong alas-9:00 nang umaga sa Roxas Boulevard, nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ni Patanao lalo na ang madungis na damit.

Sinita at isinama nila, pinaliguan at pinagpalit ng damit nila ang suspek habang isinasagawa ang record verification, matapos nito lumabas na nakatakas sa NBP si Patanao, kamakalawa nang umaga.

Nabatid na nakatakda na sanang lumaya sa Disyembre ngayong taon si Patanao ngunit maaaring maudlot ito dahil sa ginawang pagtakas.