Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Takbuhan bomalabs pa

0 166

Extended pa ang ‘NCR Plus’ enhanced community quarantine (ECQ) hanggang sa susunod na Linggo, April 11 sa Metro Manila at mga kanunog na lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.

Nangangahulugan itong malabo pang makabalik talaga ang road racing o mga patakbo sa mga lansangan sa kapuluan ng bansa, lalo na sa mga nabanggit na lugar.

Pananaw rin ito ng kaibigan kong si Severino ‘Ben’ Alacar ng Without Limits, organizer ng running at cycling sa loob at labas National Capital Region.

Kagaya ng kapwa ko marathoners/runners, tiyaga-tiyaga na lang muna ako sa ehersisyo sa backyard at jog-run sa aming Barangay para maging malusog pa rin at makaiwas COVID.

Kayo rin sana.

***

Maligayang ika-50 kaarawan kay Hector Tabuzo ng Marikina City na nagdiwang nitong Sabado de Gloria, April 3.

Siya ang kasalukuyang lider ng NLEX (North Luzon Expressway) Road Warriors Fans Club sa PBA at may 22 taon nang pinagkakatiwalaang assistant ni players agent Ed Ponceja. Naging pangulo rin dati si Tabuzo ng (PBA journeyman) Rommel Adducul Fans Club.

Leave A Reply

Your email address will not be published.