Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Take a break rin ‘pag may time

0 61

Nabago ng pandemya ang pang-araw-araw nating pamumuhay. Imbes bumiyahe papunta sa trabaho, marami ang naka-WFH o work from home status. Pati nga ang face-to-face classes, nahinto at napalitan ng blended learning kung saan naka-online mode ang teaching approach ng mga guro ngayong academic year.

Dahil lahat tayo laging online, paggising pa lang sa umaga – tutok na tayo sa ating mga electronic gadget gaya ng cellphone, laptop, desktop at iba pa. Kung minsan nga pupungas-pungas pa, pero derecho na agad sa trabaho o kaya nama’y sa online classes.

Kung minsan, nalilimutan nang mag-almusal, merienda at tanghalian. Ang iba naman, pagka-upo sa work station, wala nang tayuan. Pati nga ang ‘wiwi’ break, nakakaligtaan pa. Payo ng mga medical expert, huwag kalimutang mag-break kahit pa ngayong naka-online mode ang marami sa atin.

SM food to go Banner Ad

Kasama sa benepisyo ng work break ang pag-improve ng memorya. Nakaka-boost din daw ito ng energy. Importanteng kumain in between online sessions para manatiling aktibo sa pakikipag-ugnayan sa mga ka-trabaho o kaklase, maging sa inyong mga guro sa class discussions.

Nakababawas din daw ng stress ang work break. Tama rin naman. Mahalaga na tumayo paminsan-minsan para mag-unat ng katawan. Dapat ding maglaan ng oras sa ehersisyo. Igalaw-galaw ang katawan para hindi sumakit ang likod. Kung may extra budget, bumili ng upuan na komportable para sa’yo. Makatutulong ito para ma-achieve ang good body posture.

Dahil nakaka-less stress ang work break, nababawasan din nito ang posibilidad ng heart diseases. Nakaka-boost pa ng performance at creativity. Mas makakaisip ka nang maayos kung malinaw ang iyong pag-iisip dahil naipahinga mo ‘yan nang husto.

Mas nagiging motivated din ang tao na nakakapag-break from work at school. Importante sa lahat, work break replenishes the brain. Ang sa akin lang, hindi puwedeng sagarin natin ang sarili para lang maka-deliver sa opisina at eskuwelahan. Mahalagang alagaan ang katawan para manatiling malusog ngayong may pandemic. Isa lang ang punto nito, i-balanse ang lahat ng gawain.

Leave A Reply

Your email address will not be published.