Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Takipan sa Sinovac binuking ni Ping

0 284

“Hindi lang sa hindi nagiging honest ginugulo nila ang story, naghahanap kami ng info paiba-iba, parang deliberate ang pag-confuse.”

Ganito ang paglalarawan ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson sa mga naganap na diskusyon sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole kung saan tinalakay ang vaccination plan ng gobyerno laban sa COVID-19.

Lalong binalot ng kontrobersiya ang isyu ukol sa COVID-19 bakuna na gawa ng Sinovac, isang pharmaceutical company sa China, dahil sa malalabong pahayag ng mga pinatawag na opisyal.

Pangunahin sa mga pinatawag ng Senado sina vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na siyang mga nangunguna sa pagtugon ng gobyerno sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Kabilang sa isyu ang presyo ng bakuna ng Sinovac na sinasabing mataas kumpara sa iba pang bakuna.

“Obvious na obvious na ang preference talaga nila ay ang Sinovac, makikita `yan sa mga pananalita nila,” ani Lacson.

Subalit ipinagtataka ng senador kung bakit nililihim ang presyo.

“Anong dahilan talaga bakit ayaw magsasabi ng totoong presyo. Tapos lumabas kahapon sa dami ng donation 44M doses sa COVAX na libre, private sector 17M `yon naman ay libre rin ido-donate kalahati so 8.5M plus 14M na bibilhin ng LGU, so far 13 LGUs na ang nag-signify aabot na ng 14M doses, `pag sinuma total mo `yon…ibabawas mo `yon at idi-divide ng two kasi doses `yon, ang target nila ma-inoculate 70M, ang matitipid agad ng gobyerno 33M, mga 36M lang ang gagastusan. So tinatanong natin, malaking menos, bakit ang pinondo natin sobra-sobra. Bakit nga nila nililihim ang presyo `di nagiging transparent,” sabi ng senador.

“Tinanong ko rin si Sec Galvez sa Sinovac, sabi ko part ba ng COVAX ang Sinovac, sabi niya nag-a-apply pa,” dagdag ni Lacson.

Ang COVAX ay binubuo ng mga bansang at mga manufacturer na layong siguruhin na magkakaroon lahat ng bakuna laban sa COVID-19.

Inihayag pa ni Lacson na may track record ng panunuhol ang Sinovac.

“Oo meron silang track record na nanunuhol bakit doon pa tayo nakikipag-usap, naghihintay din tayo ng suhol?” ani Lacson.

Nabatid din umano nila kay Galvez na hindi pa pala `done deal’ ang negosasyon para sa bakuna ng Sinovac.

Sabi ni Lacson, puwede silang magpatawag ng isa pang pagdinig kapag marami pang katanungan.

“Hindi puwedeng itago forever, kung maitatago nila ngayon `yan, `pag natapos ito malalaman at malalaman din naman natin `yan, pagdating ng budget deliberations uungkatin namin `yan,” ani Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.