Abante Tonite Interactive

Takot ikumpara kina Janella, Janine: Elmo binura ang non-showbiz GF

0 676

NI: ARCHIE LIAO

Palaisipan sa netizens ang ginawang pag-delete ni Elmo Magalona .Ito’y may kinalaman sa post niya na binati ang non-showbiz girlfriend sa kanilang first year anniversary.

Sa nasabing post, ibinalandra kasi niya ang photo nila ng kanyang bagong inspirasyon.

Pagkatapos na maipost, binura rin niya ito.

Sey tuloy ng mga netizen,baka raw ikinahihiya umano ng anak ng master rapper ang kanyang bagong dyowa.

Hirit naman ng iba, natakot lang daw ang singer-actor na ma-bash lalo pa ‘t tiyak na ikukumpara ito sa kanyang mga ex tulad nina Janella Salvador at Janine Gutierrez