Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Takot lumukob sa bubble

0 92

Clark Smart Giga City – Mukhang contained na ang coronavirus scare na nagbabantang magpaputok ng PBA bubble sa Pampanga, pero hindi maiwasang mangamba ang ibang players sa loob ng Clark Freeport Economic Zone.

Iniulat ni commissioner Willie Marcial na papunta sa ‘false positive’ ang kaso ng isang hindi pinangalanang referee na unang naging suspect case.

Pinahupa ni Marcial ang pag-aalala ng ilang players nang siguruhing maghihigpit pa sa protocol, dadalasan ang pagpapa-test kung kinakailangan base sa abiso ng DOH at CDC.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“Kund dapat i-test, ite-test natin,” anang commissioner Miyerkoles ng gabi. “Sinabi ko sa lahat, wake up call sa atin ito na ‘wag tayo masyado mag-relax. Nasa bubble tayo, pero kailangan sundin natin protocol – mask, shield, alcohol, linis ng katawan. Hindi komo nasa bubble tayo eh, relax-relax na tayo.”

Siya na raw mismo ang magbabantay sa mga nasa loob para masigurong walang lumalabag.

Kung isa o dalawa lang naman umano ang maapektuhan ng pandemya, tuloy ang laro ng ni-restart na Philippine Cup na makukumpleto na ang pangalawang linggo. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.