Abante Tonite Interactive

Takot maboldyak sa ‘one strike policy’, 18 sugarol dinampot

308

Sa takot na mapatawan sa ‘one strike policy’ binitbit ng mga pulis ang 18 sugarol makaraang iutos ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brig. Gen. Ronnie Montejo ang pagpapatupad ng polisiya laban sa illegal gambling sa lahat ng station at unit commander sa lungsod.

Ang kautusan ni Gen. Montejo ay bilang pagtalima kay PNP Chief, Police Gen. Archie Francisco Gamboa, na hindi umano mangingiming sibakin sa tungkulin ang sinumang Station Commander kapag nadiskubreng patuloy na namamayagpag ang iligal na sugal sa kani-kanilang nasasakupan.

Bunsod nito ay agad na nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang District Special Operations Unit (DSOU) na nagresulta ng pagkakadakip nina Nilo Ravela, 46, at Clint Cariño, kapwa maintainer ng ‘Video Karera’.

Maryjoy Capunpon, 27; Rowell Pugao, 35; Michael Ramos, 30; Alvin Breva, 35, at Jolex Arquillano, 25, na aktong nagna-number game na ‘roleta’.

Antonio Mila, 56 at Jonjie Milan, 37, habang nagsasabong at Zacarias Balagusa, 57; Anderson Vergara, 46, at Rolando Frondoza, 58, na naaktuhang nagpupusoy.

Habang sina Billy Balag, 47; Carmelito Pinangay, 43; Mervin Rosal, 36; Nicholas Lacson, 32; Mary Ann Gomez, 28, at Joey Pabustan, 51 ay dinakma habang nagka-‘cara y cruz’. (Dolly ­Cabreza)