Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Takotsubo o broken heart syndrome

0 170

Parang hindi ako makapaniwala nang nabalitaan kong namatay ang aktres na si Debbie Reynolds isang araw makaraang mamatay ang kanyang anak na si Carrie Fischer. Ang sinasabing dahilan – broken heart syndrome, Ganito rin daw ang nangyari kay Johnny Cash ilang buwan makaraang mamatay naman ang kanyang asawa.

Ang matinding stress ay maaaring makamatay – at ito ang nagiging sanhi ng broken heart syndrome. Hindi lang emotional trauma ang maaaring pagmulan ng stress. Maaari rin itong manggaling sa physical trauma dahil sa aksidente o pagkakasakit, sa mga natural at man-made disasters.

Ang Takotsubo cardiomyopathy ay ipinangalan sa isang octopus trap. Ang kadalasang tinatamaan nito ay ang mga kababaihan.

Mahigit sa 90% ng mga kasong may kinalaman sa Takotsubo ay mga kababaihang edad 58 hanggang 75 ang nagkakaroon. Humihina ang heart muscles, at ang left ventricle ng puso, na siyang pangunahing pumping chamber ng puso, ay nagiging mahina kapag tumataas ang antas ng stress. Kapag nakaramdam ng paninikip ng paghinga, mabilis na pintig ng puso at pananakit ng dibdib, malamang na mayroon kang Takotsubo.

Ang stress ay hindi lamang nagmumula sa sobrang kalungkutan kung hindi maging sa sobrang saya o takot din. Ang adrenaline o tumataas na stress hormones ang maaaring makaapekto sa puso. Kapag din nababawasan na ang estrogen ng babae, tumataas ang panganib na magkaroon ito ng problema sa puso.

SM food to go Banner Ad

Maaaring kumapal, lumaki o parang may uka-uka ang itusra ng puso kapag may Takotsubo. Kapag lumala ang kondisyong ito, mahihirapan ang pusong pumintig. Nagkakaroon ito ng abnormal electrical rhythm.

Maaari ring magka Takotsubo ang mga bata dahil may ipinapanganak na ganito na ang kondisyon. Sa mga babae naman, kadalasang nangyayari ito kapag sila ay nasa menopausal stage na.

Puwede namang maiwasan ang Takotsubo. Kailangan lang na baguhin ang lifestyle – wala nang iinom ng alak, paninigarilyo,

Kailangan ding laging magpa checkup sa doktor, kumain ng maraming prutas at gulay, uminom ng ireresetang gamot. Mahalaga rin ang meditation at pagdarasal lalo na sa napaka-stressful na pagkakataon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.