Abante Tonite Interactive

Taktika ni Guiao pasado vs Congo

326

Epektibo ang sistema ng opensa ng Gilas Pilipinas, kung pagbabasehan ang 102-80 rout sa Congo sa unang tune-up game sa training camp ng Nationals sa Spain.

Kinatuwa ni coach Yeng Guiao ang pinakita ng kanyang 10-man squad sa Palacio Multiusos sa Guadalajara.

Sa FIBA rankings, world No. 31 ang Pilipinas samantalang No. 82 ang Congo.

“For a 40-minute game, to score 102 points against a national team, I guess that shows that offensively the system is working,” pahayag ni Guiao kay Paolo del Rosario ng SBP/Cignal.

Maagang nagliyab sina Andray Blatche at Japeth Aguilar para ihulma ang ratsada ng Pilipinos.

May dalawang triples agad ang naturalized center nang itulak ang Pilipinas sa 32-19 lead tapos ng opening quarter. Pagda­ting sa break, may double-figures na ang dalawa.

Tumapos si Blatche ng 25 points, may 22 si Aguilar. Lahat ng tinapik ni Guiao, pumasok sa scoreboard. Nagdagdag si Mark Barroca ng 16 points, may tig-8 sina Matthew Wright at Gabe Norwood.

Malayo na ang Filipinos, 84-60, pagkatapos ng three.

Sunod na haharapin ng Gilas sa pangalawang tune-up game ngayong Huwebes ang Ivory Coast, ranked 64th sa mundo.

Babalik ng Madrid ang Nationals bago didiretso ng Malaga para sa four-nation pocket tournament. Toka nila ang Congo ulit, ang winner ay uusad para harapin ang winner sa match ng Ivory Coast at host Spain. (Vladi Eduarte)

Babalik ng Manila ang Gilas sa Aug. 13, haharapin sa dalawang friendly games ang NBL tram Adelaide 36 sa Aug. 23 at 25, makalipas ang apat na araw ay bibiyahe na ang Nationals ng China para sa FIBA World Cup sa Aug. 31-Sept. 15.