Abante Tonite Interactive

‘Tala para sa Taal’ pasabog ng mga fan ni Sarah

553

Palakpakan na may kasamang sigawan para sa mga fan at supporter ni Sarah Geronimo. Bakit kaniyo? Aba, may payanig silang “Tala para sa Taal” na magaganap ngayong Sabado, sa Enero 18, sa Rizal Park.

Ayon sa Popsters Official Facebook Page, ang kinagigiliwang “Tala” dance craze ay kanilang gagamitin para makalikom ng pondo para tumulong sa mga taong naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Sa mga sasali sa pangmalakasang public dance spectacle na ito, ang registration fee na P100 per head ay ibibigay na donasyon sa Philippine Red Cross.

Umaasa ang taong nasa likod ng Popsters Official na ang pangmalakasang sayawan na nangyari sa “ASAP Natin ‘To” ay mauulit sa Quirino Grandstand area sa Rizal Park at umaasa sila na mas marami pa ang dadalo dahil for a worthy cause naman ang pagtitipon.

Sa mga medyo nega na at umay na umay na sa sikat na sikat na sayaw sa kasalukuyan, hindi ba super bright ang ideya na ito mula sa mga panatiko, sumusuporta at nagmamahal kay Sarah Geronimo?

Kung makakadalo si Geronimo sa okasyon, mas bongga tiyak ang mga kaganapan. Nawa’y mas marami pang fans ang tulad ng kay Sarah, may katuturan ang mga ginagawa sa kanilang mga buhay.

Alden tuloy ang pagtulong kahit nasa bakasyon

Grabehan na talaga ang pag-uugali ng mga dalahira at katkatera. Umaarteng kunyari mga concerned citizen pero sa bandang huli, makikita mong wagas na panlilibak lang pala ang ginagawa.

Isang mainam na halimbawa, ang mga basher at hater ni Alden Richards. Na porke si Richard ay nasa Land of the Rising Sun, sa Japan, ang pag-aaglahi at pagratrat nila sa actor, wagas na wagas.

Pinalalabas ng mga nagmamagaling na ito na walang pakialam ang binatang Faulkerson sa mga nangyayari sa Pilipinas nating mahal, partikular na sa mga apektado ng pagputok ng bulkang Taal.

Kaya nga nakakatuwa ang ginawang simpleng pagtatanggol ni Daddy Richard Sr., sa kanyang Junior. Ibinahagi ni Papa Faulkerson ang isang screen grab photo sa kanyang social media account kung saan may bilin ang actor na maglaan ng pera para sa pagtulong sa mga nangangailangan.

At ang pagtulong ni Alden, he did it quietly pero sinigurong makakarating sa dapat tulungan. Inihayag ni Daddy Senior ang pangyayari para tumahimik na ang mga dalahira at katkatera sa kanilang walang mga basehang akusasyon.

Siyempre pa, ang mga iilan na lang bulag pa sa katotohanang AlDub Nation miyembro, hindi pa rin tumitigil sa paninira sa Pambansang Bae. Para na silang mga sirang plaka sa pauulit-ulit na panlalait.

Hay naku mga ADN miyembro na ayaw paawat sa pagratrat, kesa kaliwa’t kanan ang pagbira niyo kay Alden Richards, iyang mga enerhiya at panahong inuukol niyo sa kanya, bakit hindi niyo na lang ibaling sa mas kapaki-pakinabang na mga bagay-bagay? Kayo ba, may itinulong sa mga dapat tulungan? O ang trip niyo lang talaga sa buhay ay ang padiskitahan si Richard Faulkerson Jr.? Maging mabuti at mabait rin naman kayo, para maiba naman.