Abante Tonite Interactive

Talak ni Pia vs PDEA

By
Pia Wurtzbach
12

Kinondena ni Miss Universe 2015 ang paglabas ng identity ng 11 kalalakihan na nahuli sa drug-bust operation sa isang hotel sa Taguig.

Ang pagkondena ni Pia ay para ipagtanggol ang LGBT sa mapanghusgang tingin ng mga tao at ang posibleng maling impression na ‘krimen’ ang pagiging bakla.

Ayon kay Pia ay labag sa batas ang ginawang paglalantad sa identity ng nasabing diumano ay HIV positive.

Related Posts

“It’s illegal to publicly announce one’s HIV status (RA8504). What has been has not only traumatized the men that were involved; it also worsen the HIV situation in the Philippines.

We’re working so hard in educating the people properly on HIV/AIDS, on taking away the stigma,” sabi pa ni Pia.

Kilalang HIV/AIDS advocate si Pia bago pa man siya nanalo sa Miss Universe, ang mapalaganap ang awareness tungkol dito, kung paano kokontrolin ang paglaganap nito at bigyan ng moral support ang mga taong HIV positive at ang mga may AIDS.