Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Talbog sina Kim, Maja, Julia: Claudine ‘Star Magic Queen’ pa rin

0 1,017

Bigla ngang nag-appear si Claudine Barretto sa selebrasyon para kay Mr. Johnny Manahan. Oo nga naman, kung si Mr. Manahan ang topic, at Star Magic ang pag-uusapan, hind puwedeng mawala si Claudine, ang tinaguriang Optimum Star.

Of course, iba na ang panahon ngayon. Hindi na aktibo si Claudine sa pelikula, o telebisyon. Matagal na rin siyang umalis sa Star Magic at ABS-CBN.

Sa Instagram na nga lang siya nakikita ng mga fan niya. Ang mga project na dapat sana ay gagawin niya ay hindi na nga natuloy, sa hindi malamang dahilan.

Pero, ang presence ni Claudine, sa grupo ng mga artista ng Star Magic, hindi puwedeng hindi lumutang. Oo, iba pa rin daw ang dating ni Claudine.

Sabi nga nila, kahit may mga Liza Soberano, Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Maja Salvador, at iba pa, na mga reyna-reyna ngayon sa Star Magic, si Claudine pa rin daw ang maituturing, at kaisa-isang Star Magic Queen. At kahit ang pamangkin niyang si Julia Barretto, na ngayon ay nasa Viva Artist Agency pa rin, wala pa rind aw binatbat kay Claudine, kung babalikan ang mga achievement nito bilang aktres, artista.

Noong mga panahong nagsisimula nga naman ang Star Magic, si Claudine talaga ang nagdala ng pangalan nila. Malaking tulong si Claudine kung bakit naging matibay ang Star Magic.

At kahit nanganganib na mawala ngayon, hindi pa rin maikakaila na ang Star Magic pa rin ang nakalikha ng napakaraming sikat na artista sa kasalukuyan. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.