Abante Tonite Interactive

Talent coordinator, hulas sa malasadong direktor

89

GAY talent coordinator, pinaghintay nang limang oras ng isang nagmamagandang direktor.

Perang pinag-usap­an, tingi na lang!

Sa ngayon, sising-sisi si gay TC kung bakit ibinigay niya pa ang contact niyang mayaman para mag-produce ng isang pelikula na ididirek ng malasadong direktor na siya na rin ang co-producer. Dahil kilala na rin si direktor, hindi nagdalawang salita si bading na TC sa matronang mayaman at willing na itong magbigay ng kalahati ng budget.

Pero bago ihatag ang budget, nag-usap sina TC at direktor na bibigyan ng porsyento si gay TC.

Nag-start na ang shooting… OK naman sa una pero nang tumagal, ang dami nang nababalitaang problema ni gay TC.

Dinedma ‘yun ni gay TC ang mga tsika. Ang importante sa kanya ay ang kanyang cut-tsina.

Nang singilin ni gay TC si direk ng kanyang porsyento, nakiusap ito na sa susunod na lang babayaran kapag naibigay na ang full payment ng produ.

Natapos ang pelikula…

Wala nang naging problema sa shooting. Ang major problem lang ay ‘yung datung ni gay TC na waaah pa give ni direk.

After a month (tagal, ha?!), tumawag si direk kay gay TC na magkita sila ng 4:00 PM sa isang lugar sa QC.

Siyempre, atat si bading na TC na binibilang na ang datung na mapapasakamay niya.

Nagte-text naman sila at male-late lang daw si direk nang one hour. Umokey naman si TC.

Lumagpas ang isang oras… Naging 2 oras, wala pa rin.

7:30 PM na, malapit na raw si direk kaya masaya na ulit si bading.

8:00 PM, kakain daw muna si direk dahil nagugutom na siya. Doon na bumula ang bibig ni gay TC, tinawagan si direk na sumagot na malapit na siya.

Hulas na si bading pagsapit ng 9:00 PM.

Eto na si direk… YEHEY!

Hindi bumaba ng kotse niya si direk. Iniabot ang sobre kay gay TC at bigla itong uma­lis.

Agad-agad!

Binilang ni beki TC ang pera. Laking gulat niya dahil P10K lang ang laman ng sobre.

Eh mahigit P700,000 ang naibigay ni produ!

Tinatawagan ni gay TC si direk pero naka-off na ang cellphone nito.

Hindi na niya ito matawagan kinabukasan dahil nag-iba na ito ng contact number.