Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Talim’ ni Gloria swak sa Clark project

0 150

Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Presidential Adviser on Clark Programs and Projects.

Nabatid na pinirmahan ng Pangulo ang appointment ni Arroyo noong Martes, Nobyembre 24, 2020. Piso kada taon umano ang suweldo ni Arroyo sa kanyang bagong puwesto.

Kumpiyansa ang Malacañang na malaki ang magagawa ng expertise umano ni Arroyo para maisulong ang mga programa at proyekto ng gobyerno.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos opisyal na ianunsiyo ang appointment ni Arroyo bilang adviser ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Roque na malaking bentahe ang pagiging taga-Pampanga ni Arroyo para maisulong ang mga programa at proyekto sa Clark bilang pangunahing metropolis sa Asia.

“PA’s Arroyo’s wisdom and her vast experience as a former head of the state and head of government, coupled with great concern in her native Pampanga, would be valuable as she would assist the administration in planning and execution of projects to turn Clark as the next premier metropolis in Asia,” ani Roque.

Binubuo ng apat na distrito ang Clark: Freeport Zone, Global City, New Clark City, at ang Clark International Airport. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.