Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Talisay City mayor sapul ng COVID

0 47

Nagpositibo sa coronavirus disease si Talisay City, Cebu Mayor Samsam Gullas.

Inanunsyo ito mismo ng alkalde sa isang Facebook post kahapon.

“Unfortunately, I was called today to inform me that I have tested positive of the virus,” wika ni Gullas.

Aniya’y nakaranas siya kamakalawa ng mga sintomas ng COVID-19 gaya ng sore throat, pananakit ng katawan at ubo dahilan para magpa-swab test ito at ngayon ay sumailalim sa quarantine.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Since yesterday, me and my family have undergone quarantine to recover from this,” dagdag niya.

Tiniyak naman ng alkalde na sa kabila ng kanyang sitwasyon ay magpapatuloy siya sa kanyang obligasyon at humirit na rin ng dasal.

“Hopefully, I can fully recover from this as we still have more work to be done. Please pray that I can recover fully from this experience.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.